Hul 25, 2009 / para sa mga:

Babala sa mga Kumakanta ng My Way sa Videoke

Maiba naman tayo ng marami. Kunyari, nasa isang videoke bar ka. Kumakanta ka ng iyong favorite song. For the sake of the joke, sabihin nating ang paborito mong kanta ay "My Way." Sa kainitan ng pagkanta, may narinig kang kakaiba, kagimbal-gimbal, at karima-rimarim na tunog. Ano ang gagawin mo?

Tunghayan natin ngayon ang isang kakaibang kwento tungkol sa eksenang ikinukwento ko...

... Sa isang bar, Lolo kumakanta ng My Way.

Lolo: I did it mmmmyyy...


Nakarinig ng kasa ng baril... 




Lolo: You are the reason that I breathe
You are the reason that I still believe
You are my destiny
Jaihooo!
Oh oh oh!

Jaihooo!

Ano sa tingin niyo? Tumigil kaya ang nagkasa ng baril?  Hehehehe!

Delikado pala ang kumanta ng "My Way." Baka may mangalabit... hindi mo alam, si Kamatayan na pala. Ehehehe!

nakihirit (0) / Read More

Hul 23, 2009 / para sa mga: ,

Contribution ng Fan: Sorry ha, No Offense

Ano ang sasabihin nyo kung may gustong mag submit ng experience nila sa blog mo? Ay! Siyempre naman, matutuwa ka diba? Sikat na ang blog mo. Nangyari sa akin ito kamakailan at siyempre, dahil flattered ang Rchrd kaya sinabi niyang:

Sure Baba! Send mo sa email ko...

OK, ano naman ang natanggap ko? Hmmm... basahin niyo na lang. Masyadong masakit at makatotohanan ang ibinahaging kwento sa akin ng isa kong kaibigan, si WaterAndWords, aka Baba. Tunghayan natin ang kanyang kwento:

Chad, ikaw na lang mag-edit para mas may punchline. Hehe! Mahina kasi ako dun e. Actually baka hindi nga to nakakatawa pag nabasa mo, pero totoong nangyari to at sobrang matatawa ka kung nandun ka. Actually mataray ang dating nito. Haha!
Paano mo sasabihin sa magiging katabi mo na ayaw mo siyang makatabi?
Isang grupong magkakaibigan ang paalis para kumain ng dinner sa labas. Isang punong van sila na isang babae na lang ang iniintay. Dumating na yung babae.

Pagkabukas ng sliding door ng van, nagkatinginan ang babae at ang lalaking matagal ng in-love sa kanya. Ang ngiti ng babae ay nawala at nag-roll ang kanyang mata (anong tagalog ng nag-roll?) at hindi niya pinigilang sabihin sa kanila: "wala bang uurong?" Sabay tingin sa lalaking in-love sa kanya: "sorry ha, no offense, pero ayoko kasing katabi kita e."

Omg! Sabay nagtawanan ang ibang nakasakay sa van. Pagka-upo ng babae, awkward silence.

Okay ba? Hehe! Ang sama no? Dapat nga sinabi na lang niya, "Uy, tabi tayo? This must be your lucky day!" Hahaha
Naku, tsk tsk tsk! Napakasaklap naman... Kung ikaw kaya, ano ang sasabihin mo sa isang taong patay na patay sa iyo pero ayaw mong makatabi?

Ang litrato ng van ay galing dito: http://doug.mhost.com/images/van/van_side.jpeg.

nakihirit (1) / Read More

Hul 21, 2009 / para sa mga: , ,

Blog Para sa mga Tunay at Di Tunay na Lalake

Ano ang sasabihin nyo kung may nakita kayong blog na para sa mga tunay na lalake?

Dahil meron ngang blog na ganito, sisigaw kayo ng "Hay! Men!" Isa sa mga contributors dito ay ang aking kaibigan. Ano ang katibayang blog ito ng mga tunay na lalake? Siyempre, may manifesto sila:

Manifesto ng Tunay na Lalake

  1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
  2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
  3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
  4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
  5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
  6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
  7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
  8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
  9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
  10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.
Ngayong alam niyo nang may blog ng mga tunay na lalake, ano naman ang itatawag sa blog para sa mga di tunay na lalake? Ok, huwag nang magpanggap na may alam ka... Ako alam ko... ang sagot ay, dyan, dyararan!!! Hey! Veyklas! kaibigan ng mga tunay na lalake.

Ok, so pruweba nanaman ang hanap niyo. Siyempre, hindi magpapahuli ang Hey! Veyklas! May manifesto din ang blog na ito:

Ang mga Palatandaan at Marka ng Isang Tunay na Veykla (repeat after me)

1. Ang TUNAY NA VEYKLA ay super borlogs kapag may chance. Sleeping beauty galore para (1.) ganda ng fez at skin pagka-gising, (2.) para di ga-maleta ang eyebagey, at (3.) para mega energy sa rampa.
Exception: mga taong bangag ever sa bawal na gamot (pero ang mga gandarang veykla na bangag sa hormonal pills na pampadagdag boobs at pampawala ng bigote at hairla sa kilikili ay pasok!)

2. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mega super text back. Kever kung sang lupalop man ng bansa. Afraid ma-warla ng jowa-jowaan sa text. Kinakarir din ang pagpapasaload sa mga betinang mhenchaluz.

3. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mega long-ish mag-reply sa text. Di pwede ang reply na "K" lang. Sad ever agad kapag di tumutunog ang celphone to the tune ng kanyang latez fave dance tune hudyat na nagtext back na sa wakaz ang tinext n'ya 10 hours ago 10 times ng "Hi. Musta ang sweety ko?". Meron din s'yang SIM ng lahat ng networks. Para text-proof at call-proof ang buhay

4. Ang TUNAY NA VEYKLA ay alam kung ano ang sinasabing "pekpek shorts" at meron s'ya nitwu o lihim na umaasam na magkaron nitwu. Parang little black dress baga, or kamison ni Mother Lily, dahil may powers itwung taglay.

5. Ang TUNAY NA VEYKLA ay never umaaming nag-e-extra rice.

6. Ang TUNAY NA VEYKLA ay either may (1.) parlor, (2.) bet tumambay sa parlor, (3.) or bet magkaron ng parlor balang araw kung makalusot kay fadir. (note: may mga tunay ding lalakeng tumatambay sa parlor at alam ng tunay na veykla kung ba't sila andun)

7. Ang TUNAY NA VEYKLA ay may either (1.) may "love handles" (not to be confused with the botchog bilbilicious ng mga menchaluz)--dahil na rin itwu sa kakajoin sa inuman ng mga menchaluz, or (2.) zuper payatollah sa pag-mumudil sa Malate, (3.) may abs para makabingwit din ng kapwa-ko-mahal-ko nilang umaasam din ng mga abs sa Malate.

8. Ang TUNAY NA VEYKLA ay super dance diva sa dance floor or kahit sa shore ng Puerto Galera kung lasengga na.

9. Ang TUNAY NA VEYKLA ay super mega-videoke ang libangang tunay. Ang range ng kanta ay mula sa napaka-birit na kantang "Wherever You Will Go" ng The Calling, "Half Crazy" ni Johnny Gill, hanggang sa super baba na "Emotions" ni Mariah Carey or "Listen" ni Beyonce. Keber na kung may karapatan man sila sumingalore o wala.

10. Ang TUNAY NA VEYKLA ay okrayera pa-simple man o harapan. O kahit sa kapwa tunay na veykla.

11. Ang TUNAY NA VEYKLA ay the best mag-deliver ng joke. Kahit 'di na nagjo-joke.

12. Ang TUNAY NA VEYKLA ay magaling magsulat ng kwentong ka-elyahan na OM to OM.

13. Ang TUNAY NA VEYKLA ay laging malinis ang p'wet.

14. Ang TUNAY NA VEYKLA ay hate kajoin ang mga tomboyitang babae na nagpapakalalaki.

15. Ang TUNAY NA VEYKLA ay napapa-ingles 'pag nagagalit. Kahit di tama ang ingles, go lang ng go. Kahit mura lang.

16. Ang TUNAY NA VEYKLA ay the best sumagot sa Q & A portion.

17. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mahilig sa beauty contests, kasali man sila o hindi.

18. Ang TUNAY NA VEYKLA ay kinakarir ang pagsali sa Ms. Gay contests mula Aparri hanggang Jolo.

19. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mahilig magpa-contest ng mga Ginoong something something at magpasuot ng mga skimpy at white na trunks sa mga mhenchaluz na contestants.

20. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mabilis magkabisado ng mga mahahabang sagot sa Ms. Universe beauty pageant man or sa Binibining Pilipinas, o kahit sa barangay level lang.

21. Ang TUNAY NA VEYKLA ay may soft spot sa mga (1.) construction worker, (2.) kargador, (3) security guard, (4.)sundalo, (5.) marino, aminin man o hindi.

22. Ang TUNAY NA VEYKLA ay magaling umanggulo sa piktyuran man o sa halahan.

23. Ang TUNAY NA VEYKLA ay rampadora. Kering keri n'ya ang maglakad ng madaling araw mula sa Quiapo hanggang Fairview sa ngalan ng rampa. Kaya't pasensya na sa mga mhenchaluz na namataan nila saktong sumisikat na ang araw. Tunay na veyklang hayok ang makikita nila.

24. Ang TUNAY NA VEYKLA, pag mayaman at tumanda na ay natural na napapatambay sa mga basketball courts ng mga schools na sikat.

25. Ang TUNAY NA VEYKLA ay madalas na pang-maton o pang-hoodlum ang pangalan. i.e. Amador.
Definitely, kahit kung ano ka pa - maging tunay na lalake o di tunay na lalake ka, may blog kang mapupuntahan. Hehehe! Sige, trivia na lang muna... wala pa akong maihirit ulit e.

Trivia: Ayon sa Top Blogs Philippines, ang Hay! Men! ay ang nangungunang humor blog sa Pilipinas.

Trivia: Ayon din sa naturang website, ang Hey! Veykla! ay ika-20 blog sa Pilipinas.

Note: Ang kaalamang ito ay base lang sa araw na ito (7/21/2009, 3:03 AM).

Tanong: Hinahabol kaya ng blog ng mga di tunay na lalake ang blog ng mga tunay na lalake dahil may gusto ang Hey! Veykla! sa Hay! Men!? Hmmm... ano sa palagay niyo?

nakihirit (1) / Read More

Hul 18, 2009 / para sa mga: , ,

Ang Galing ng mga Euphemisms

Ano ang sasabihin nyo kung sinabihan ka na masyado kang vulgar o bastos?

Sabihan nyo ng euphemisms o mga mapagkunwaring katagang inimbento para hindi magtunog bastos ang mga sinasabi niyo. Dahil sa advice na ito... naisipan kong mag-internet at maghanap ng mga patok na euphemisms para hindi ako matawag na bastos kapag naging sex therapist ako.

Para mas effective, gumamit tayo ng mga halimbawa: ang ba-donk-a-donk, bitch blaster, at meat speculum.

Dr. Margie Holmes: Badong, ano ba ang ipinunta mo sa kin?

Badong: Kasi po, yung misis ko sinasabing masyadong maliit ang ba-donk-a-donk ko. Maghahanap na daw siya ng ibang may mas malaking ba-donk-a-donk.

Dr. Margie Holmes: Ano naman ang naramdaman mo nong sinabi niya iyon sa 'yo?

Badong: Naku, nakakahiya po eh... ah... uhm... mas lumiit pa po ang ba-donk-a-donk ko nang marinig ko yon.

Panalo di ba? O eto pa ang isa...

Shaider: Sky Ranger Gavin! May namataan akong isang bitch dun sa may bar. Girl friend mo, lumalandi nanaman.

Sky Ranger Gavin: Salamat Shaider. Tatapusin ko na ito! Humanda siya sa akin...

Shaider: Teka, sandali lang. Ano ang gagawin mo? Maghunos dili ka...

Sky Ranger Gavin: Huwag kang mag-alala, Alexis. Gagamitan ko lang siya ng aking Bitch Blaster! Pasasabugan ko lang ang makating babaeng yan!

Oh diba ang saya? Kahit children's story, pwedeng gamitan niyan. Eto na ang huling example:
Harry: Hermione, ngayong matatapos na ang mga movies natin, paano na yan? Hindi ka ba nalulungkot?

Hermione: Ay Harry, hinding-hindi, no!

Harry: Bakit naman?

Hermione: Ah kasi, me itinuro sa kin si Ron.

Harry: Ano naman yon?

Hermione: Teka, idedemo ko... [Ikinumpas ang wand niya] Meat Speculum!

Harry: [Napataas ang kilay] Bloody Hell, Hermione! Hindi ko alam na ganyan ka...

O hindi ba, astig? Kaya para mas maging fun ang usapan... tayo nang gumamit ng mga euphemisms.

Pasubali (in English, Disclaimers): Ang mga euphemisms na ito ay galing sa isang mama, si Woody. Sorry kay Dr. Margie Holmes, Shaider, at Sky Ranger Gavin dahil nagamit ko ang mga pangalan nila. Apologies to J.K. Rowling for using the names of her characters. Yun lang po.

nakihirit (3) / Read More

Hul 13, 2009 / para sa mga:

The Mechanical Contrivium

larawan mula sa http://img.brothersoft.com/screenshots/softimage/m/mechanical_clock_3d_screensaver-29557-3.jpeg
Madaling araw ng Linggo. Nagtawanan kami ng aking mahal na kapatid dahil may natagpuan kaming isang website na nakaaaliw. Marahil, lihis ito sa paksa ng Huling Hirit pero makulit talaga ang The Mechanical Contrivium para hindi i-post dito.

Madali lang gamitin ang The Mechanical Contrivium. Isa itong random generator ng mga trivia tungkol sa napili mong tao, bagay, grupo, o lugar. Gusto mo ng halimbawa?

Sige, eto ang inilabas ng The Mechanical Contrivium na mga kalokohang trivia para sa isang sikat na ginang:

Ten Top Trivia Tips about Ginang Gloring!

1. Neil Armstrong first stepped on Ginang Gloring with his left foot.
2. Ginang Gloring is the world's tallest woman.
3. Ginang Gloring has only one weakness - the colour yellow!
4. The ace of spades in a playing card deck symbolizes Ginang Gloring.
5. Reindeer like to eat Ginang Gloring!
6. The first American zoo was built in 1794, and contained only Ginang Gloring.
7. Cats use their Ginang Gloring to test whether a space is large enough for them to fit through!
8. Ginang Gloring can give birth ten days after being born, and is born pregnant!
9. Americans discard enough Ginang Gloring to rebuild their entire commercial air fleet every 3 months!
10. The fingerprints of Ginang Gloring are virtually indistinguishable from those of humans, so much so that they could be confused at a crime scene.
Oo, alam kong puro kalokohan lang ito -- kaya nga random eh. Disclaimer lang saglit: hindi ko balak manira o makapanakit ng ibang tao. Ito ay isang halimbawa lamang ng maaaring lumabas sa The Mechanical Contrivium kapag nag-generate ito ng random na trivia.

Para sa lubos na kasiyahan, magtanong ka sa The Mechanical Contrivium tungkol sa sarili mo o sa iba pang sikat na personalidad upang makakuha ka ng walang patumanggang halakhak! Enjoy!

nakihirit (3) / Read More

Hun 9, 2009 / para sa mga:

Dahil Hindi Ako Palaging Masama

Dahil hindi ako palaging masama, may sense din naman ang mga bagay na pwedeng ihirit. Katulad nito. Kunyari, pinapapili mo ang isang tao sa landas na susuungin niya. Pwede mong sabihan ng ganito:

Which way would you take?

The left one where there's nothing right? Or the right one where there's nothing left?

Ano kaya ang pwedeng ihirit pabalik? Balitaan n'yo naman ako.

nakihirit (1) / Read More

/ para sa mga:

Itinatampok ang mga Nakasaad sa Header ni HariNgSablay

Sa aking pag-iikot sa internet, napadpad ako sa blog ni HariNgSablay at ako ay may natutunang magandang ihirit sa mga taong inaakusahan akong tamad ako.

Inay: Ang tamad mo talaga!

Rchrd (nanghihiram mula kay HariNgSablay): 'Di bale nang tamad, 'di naman pagod!

Cheers! Apir! Ok, tulog na ko!

nakihirit (1) / Read More

Abr 7, 2009 / para sa mga:

Palakpakan!!!

Bago ang lahat, tayo ay magpalakpakan para sa muling pagkabuhay ng blog na ito!!! Dahil ako ay Pilipino, *palakpak* *palakpak* *palakpak* ang sound effects dito. Bwahahaha! Ngayon, balik tayo sa trabaho.

Wala munang diretsong paksa ang paglalathalang ito. Naaliw kasi ako sa isang email sa akin ng isa kong kasamahan sa trabaho. Eto na!!!

Filipino Truism!!

Ang buhay ay parang bato, it's hard.

Better late than pregnant.

Behind the clouds are the other clouds.

It's better to cheat than to repeat!

Do unto others... then run!!!

Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.

Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na sa bagong gising,
'wag lang sa lasing na bagong gising.

When all else fails, follow instructions.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.

To err is human, to errs is humans.

Ang taong nagigipit...sa bumbay kumakapit

Pag may usok...may nag-iihaw

Ang taong naglalakad nang matulin... may utang.

No guts, no glory... no ID, no entry.

Birds of the same feather that prays together... stays together.

Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.

Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.

Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan ....
ay may stiff neck.

Birds of the same feather make a good feather duster.

Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.

Huli man daw at magaling, undertime pa rin.

Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment

Matalino man ang matsing, matsing pa rin.

Better late than later....

Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa
ang bahay kubo, sa paligid puno ng linga.

Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!

No man is an island because time is gold.

Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.. muta lang yan.

Kapag ang puno mabunga...mataba ang lupa!

When it rains...it floods.

Pagkahaba haba man ng prusisyon .. mauubusan din ng kandila.

Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan
nasa vulcanizing shop.

Batu-bato sa langit, ang tamaan... sapul.

Try and try until you succeed... or else try another.

Ako ang nagsaing... iba ang kumain. Diet ako eh.

Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.

Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.

If you can't beat them, shoot them. (Nalundasan)

An apple a day is too expensive.

An apple a day makes seven apples a week. (really expensive)

nakihirit (0) / Read More

Ene 23, 2009 / para sa mga:

Defensive

Isang text message mula sa aking mahal na kapatid:

Hindi ako salbahe...

Hindi ko lang siguro kinagawian na gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga nagbabait-baitang tao!
Ah... oo nga naman. He he he!

nakihirit (0) / Read More

Ene 19, 2009 / para sa mga: ,

Ode to Ambisyosa

Ano ang sasabihin nyo kung may kaibigan kang biglang bumuntong hininga na lang dahil sa sobrang problema sa love life? Paano kung yumuko siya sandali, biglang tumingin sa iyo at biglang tinanong ka ng:

Rchrd, kelan kaya ako makakahanap ng lalaking gwapo, matalino at mayaman?
Hay buhay! Ako nanaman ang masamang tao dahil ito ang sinabi ko:
Ha? Gwapo, matalino at mayaman?!? Sino bang hinahanap mo, si God?

nakihirit (0) / Read More

/ para sa mga: , ,

Masikip na Damit

Ito, medyo sharing lang ng mga pangyayari pero me lumabas na namang sarcastic na hirit mula sa bibig ko. Noong Sabado, umakyat kami sa Antipolo ng aking mga kaibigan para sa isang party. Noong kami ay naghahanda nang magkulitan, sinabi sa akin ng isang kong kaibigang itatago natin sa code name na SLN:

Rchrd, masikip na ata ang pants ko sa akin.
Rchrd:
Naku, hindi masikip ang mga pants mo. Malaki lang ang binti mo.
SLN:
Ah - ganun ba!? Gusto mo masaktan!?
Smile, Mama SLN!

nakihirit (0) / Read More

Ene 12, 2009 / para sa mga:

Ipis Pala Ha!?



Sigurado ako, maraming makaka-relate dito. Naranasan niyo na bang pintasan ang picture niyo? Parang ganito:

Antipatika: Wow, gandang picture naman niyan! Puwedeng panakot ng ipis.

Rchrd: Ah, talaga?! Sorry ha. Hindi ko alam yon eh. Wala kasing ipis sa bahay namin kaya hindi ko alam. Tsaka, toto ba talaga yon? Kasi kung totoo, eh bakit di ka pa tumatakbo paalis?


Panakot pala ng ipis ha! Hmpf! Straight from the elbow! Hiyah!!!

nakihirit (0) / Read More

Ene 11, 2009 / para sa mga:

Malaking Hadlang

Nasadlak na ba kayo sa isang sitwasyong hinihingian kayo ng payo ng isang kaibigan? Tipong ganito ang takbo ng usapan:

Rchrd, bakit ganon? Gusto ko lang namang lumigaya ah! Masama bang gawin ang lahat para maging masaya?
Talagang hindi naman masama pero siyempre, may hangganan din ang mga kailangan gawin. Minsan, kailangan din ng words of wisdom para sa mga taong nakakainis at pinanganak na kontrabida - lalo na kung kaugali nitong kaibigan na to na daig pa si Bella Flores, kailangan ng medyo matindi at profound na sasabihin habang umiiling:
Alam mo, simple lang ang sagot diyan. Hindi lumiligaya ang humahadlang sa ligaya ng iba.
- Rchrd (2003)
Medyo madrama ang post ngayon ah! Dala lang yan ng ulan - o baka ng ulam. Gutom na ako kaya hanggang sa muli!

nakihirit (0) / Read More

Ene 8, 2009 / para sa mga:

Hindi ba Obvious?

Ano ang sasabihin nyo kung may taong tanong nang tanong tungkol sa mga bagay na obvious naman? (ex. Nakamake-up ka? Nagpagupit ka? Nagpakulot ka?)

Sabihan nyo ng...

Hindi! Pagkagising ko ganyan na yan.
- Jen O'yek
batchmate ko sa bio

Para mas effective, sabihin nyo with a sarcastic tone.. haha.. Obvious naman kasi, tinatanong pa.

nakihirit (0) / Read More

Ene 7, 2009 / para sa mga:

YM Audibles

Ano ang sasabihin nyo kung me ka-chat ka at me nilaro kayong game sa net tapos natalo nyo siya? Eto suggestion mula sa YM Audibles.

Sabihan nyo ng...



Hmm... tama na siguro sa pagiging mapang-api. Bukas na lang. Baka makarma ako...

nakihirit (0) / Read More

/ para sa mga:

Mr. Right!

Ano ang sasabihin nyo kung inangasan ka ng isang taong pinuna mo dahil mali naman talaga siya? Kung iisipin nga, parang wala na siyang ginawang tama.

Sigawan nyo ng...

Kasalanan ko ba kung lagi akong tama?!
- Rchrd

At magdabog paalis...

nakihirit (3) / Read More

Ene 6, 2009 / para sa mga:

Pretty Daw Siya Oh!

Ano ang sasabihin nyo kung gusto ninyo na sirain ang araw ng isang taong feeling maganda?

Simple lang yan. Sundin ang payo ko: KISS! Keep It Short and Simple:

Oh my god! You look so pretty today...
...
...
...
... pretty ugly!
- Tony Lou
blockmate ko nung college

Galingan ang pag-sasabi nito dahil hindi ito gumagana para sa lahat ng tao. Dapat, pag sinabi mo yung first part, masayang masaya at may sincerity. Yung tipong me ngiti pa sa mata. Tapos, tigil ka ng saglit pero i-hint mo na me kasunod pa at bigla mong sabihan ng second part! Hahaha! Enjoy!

nakihirit (1) / Read More

/ para sa mga:

Psst, Ganda! Psst, Pogi!

I'm sure maraming makaka-relate sa isang ito. May mga tao bang nagsabing cute, gwapo/maganda, or pretty/handsome kayo? Yung tipong araw-araw na lang kayo sinasabihan ng ganoon pero fishing for compliments lang naman. Ito, siguradong papatok to.

Sabihan nyo ng...

Ligo lang yan! Try mo...
- Rchrd

Sabayan nyo ng ngiti at kindat para hindi naman masyadong bitchy or suplado. Bwahahah! Effective yon! Paano ko nalaman? E siyempre, ako kaya nagsabi non!

nakihirit (2) / Read More