Contribution ng Fan: Sorry ha, No Offense

Ano ang sasabihin nyo kung may gustong mag submit ng experience nila sa blog mo? Ay! Siyempre naman, matutuwa ka diba? Sikat na ang blog mo. Nangyari sa akin ito kamakailan at siyempre, dahil flattered ang Rchrd kaya sinabi niyang:

Sure Baba! Send mo sa email ko...

OK, ano naman ang natanggap ko? Hmmm... basahin niyo na lang. Masyadong masakit at makatotohanan ang ibinahaging kwento sa akin ng isa kong kaibigan, si WaterAndWords, aka Baba. Tunghayan natin ang kanyang kwento:

Chad, ikaw na lang mag-edit para mas may punchline. Hehe! Mahina kasi ako dun e. Actually baka hindi nga to nakakatawa pag nabasa mo, pero totoong nangyari to at sobrang matatawa ka kung nandun ka. Actually mataray ang dating nito. Haha!
Paano mo sasabihin sa magiging katabi mo na ayaw mo siyang makatabi?
Isang grupong magkakaibigan ang paalis para kumain ng dinner sa labas. Isang punong van sila na isang babae na lang ang iniintay. Dumating na yung babae.

Pagkabukas ng sliding door ng van, nagkatinginan ang babae at ang lalaking matagal ng in-love sa kanya. Ang ngiti ng babae ay nawala at nag-roll ang kanyang mata (anong tagalog ng nag-roll?) at hindi niya pinigilang sabihin sa kanila: "wala bang uurong?" Sabay tingin sa lalaking in-love sa kanya: "sorry ha, no offense, pero ayoko kasing katabi kita e."

Omg! Sabay nagtawanan ang ibang nakasakay sa van. Pagka-upo ng babae, awkward silence.

Okay ba? Hehe! Ang sama no? Dapat nga sinabi na lang niya, "Uy, tabi tayo? This must be your lucky day!" Hahaha
Naku, tsk tsk tsk! Napakasaklap naman... Kung ikaw kaya, ano ang sasabihin mo sa isang taong patay na patay sa iyo pero ayaw mong makatabi?

Ang litrato ng van ay galing dito: http://doug.mhost.com/images/van/van_side.jpeg.

1 nakihirit:

  1. Hindi-nagpakilala says

    haha, akala ko ie-edit mo pa! :P
    Yan na ang hirit ng mga hirit sakin ng kaibigan ko pagkatapos mangyari! Mwahahaha!