Malaking Hadlang

Nasadlak na ba kayo sa isang sitwasyong hinihingian kayo ng payo ng isang kaibigan? Tipong ganito ang takbo ng usapan:

Rchrd, bakit ganon? Gusto ko lang namang lumigaya ah! Masama bang gawin ang lahat para maging masaya?
Talagang hindi naman masama pero siyempre, may hangganan din ang mga kailangan gawin. Minsan, kailangan din ng words of wisdom para sa mga taong nakakainis at pinanganak na kontrabida - lalo na kung kaugali nitong kaibigan na to na daig pa si Bella Flores, kailangan ng medyo matindi at profound na sasabihin habang umiiling:
Alam mo, simple lang ang sagot diyan. Hindi lumiligaya ang humahadlang sa ligaya ng iba.
- Rchrd (2003)
Medyo madrama ang post ngayon ah! Dala lang yan ng ulan - o baka ng ulam. Gutom na ako kaya hanggang sa muli!

0 nakihirit: